Roy Alvarez (Photo courtesy by PEP.ph)

Noong nakaraang edisyon ng Kutob, nabanggit natin ang tungkol sa mga alien—mga nilalang na pinaniniwalaang mula sa ibang panig ng kalawakan at ang iba pa nga’y naglalabas-masok sa iba’t ibang dimensiyon ng ating pag-iral.

At kapag usapang alien at UFO, hindi maiiwasang maalala ang namayapang character actor at direktor na si Roy Alvarez na madalas na nagbabahagi ng kaniyang mga naging karanasang may kaugnayan sa mga kaibigan nating mula sa ibang mga planeta o bituin na hindi nahahagip ng ating makitid na paningin.

***

Hindi ko na maalala kung anong mga programa sa telebisyon ang nagpanayam sa namayapang aktor tungkol sa paksang ito. May isang palabas ako na napanood noon, siguro noong huling bahagi ng dekada ‘90, na nagpapakita mismo ng pag-iimbestiga ng grupo nina Roy at mga kasama sa mga UFO. May bahagi pa nga ng programa na nagpasulyap sa mga manonood sa mga bagay na lumilipad at mabilis din namang naglalaho na sinasabing mga UFO. Kung sisipatin ang video (na sa kasamaang-palad ay wala tayo, ikinukuwento ko na lang mula sa aking memorya), para ngang may makukulay na bagay na lumilipad sa papawirin (atmosphere) na hindi naman masasabing mga eroplano o satellite na paminsan-minsan ay makikitang “gumuguhit” sa kadiliman ng gabi. Hindi pa rin naman uso noon ang spy drones na ginagamit, halimbawa ng US at Russia, para tikitikan o manmanan ang alinmang bansang maaaring maging kaaway ng economic at political superpower na mga ito.

***

Taong 2014 nang namatay si Roy Alvarez dahil sa atake sa puso.

Marami ang nabigla, kabilang na ang matalik niyang kaibigan na si Jimmy Licauco na namayapa na rin noong Mayo 2025, sa pagkamatay ng aktor. Sa isang panayam noon kay Jimmy, sinabi nitong tinawag na sa ibang misyon si Roy at ang palatandaan noon, ang larawan ng paruparong nakita ni Jimmy sa isang magazine. Humingi kasi noon ng senyales ang namayapang psychic at paranormal expert kay Roy mismo na kung tama bang siya (Roy) mismo ang narinig nito na nagsasabing tapos na ang gampanin niya sa mundo at kailangan na siya sa ibang dimensiyon para naman trabahuhin ang iniatas sa kaniya (Roy) ng isang may gawa sa lahat…

Posted in

Leave a Reply