Photo by Alfredo Marco Pradil/Pexels.com

Ilang araw na lang at Undás na, o mas kilala na Halloween sa Ingles. Sa panahong ito, kabi-kabila na ang inieereng mga kuwento ng kababalaghan at katatakutan dahil madalas na iniuugnay ang okasyon sa mga maligno at kaluluwa ng mga yumao. Pero may dapat nga ba tayong ikatakot sa Halloween?

Halloween: Ano nga ba ito?

Ang salitang Halloween ay mula sa halowen (Middle English) at hālig (Old English) na ang ibig sabihin, banal. 

Sa panahong ito, pinararangalan ng Simbahang Katolika ang di-kilalang mga santo – karaniwang mga martir at karaniwang mga taong tagasunod ni Kristo noong unang mga taon ng pagkakatatag ng Simbahan – na namatay dahil sa paninindigan sa kanilang pananampalataya. Magugunitang naganap ang malawakang pag-uusig noon sa Imperyo ng Roma (bago ang transisyon nito mula sa paganong kaharian patungong Kristiyano) sa mga tagasunod ng bagong relihiyong ipinalaganap ng mga apostol ng itinuturing na Mesiyas o tagapagligtas ng mga Hudyo at maging ng mga taong wala sa lahi ng sinaunang Israel o mga Gentil. Karamihan sa mga martir na ito ay hindi napangalanan sa dahilang napakarami nila para magkaroon ng isang tiyak na talaan (roster) na magmamarka sa kanilang sakripisyo para sa Simbahang niyakap nilang buung-buo.

Halloween: Iba kaysa Samhain

Marami ang naniniwala na ang Halloween ay may direktang kaugnayan sa paganong pagdiriwang na Samhain ng sinaunang Ireland. Pumapatak ang Samhain mula Oktubre 31 o Nobyembre 1, at may kaugnayan ang selebrasyon sa pagtatapos ng taglagas (autumn) at anihan.

“Samhain, in ancient Celtic religion, a festival marking the end of summer and beginning of winter. It has been celebrated on October 31 or on November 1, a date set after the Christianization of the British Isles. In ancient Ireland it was a time of ingathering for the winter and served as a bookend to Beltane on May 1, which celebrated the inauguration of summer,” ayon sa Encyclopaedia Britannica.

“It was believed that on Samhain, during this seasonal transition, spirits came to the world of the living, and their presence was regarded with trepidation. In conjunction with All Souls’ Day and All Saints’ Day, Samhain had an influence on the modern holiday of Halloween, and it is also celebrated as an important holiday in modern Paganism.”

Dahil sa petsa, marami ang naggigiit na hindi naman talagang Kristiyano kundi totoong Pagano ang pagdiriwang ng Halloween o All Hallows Eve. Pero, ayon sa mga teologo at historyador ng Simbahan, mali ang konsepto at palagay na ito.

“The Celtic culture had a celebration called Samhain, which means “end of summer.” They would celebrate the end of the harvest and the beginning of winter, when many people died of cold,” ani Fr. Ángel Pérez-López, PhD, STL, sa kaniyang artikulong nailathala noong 2019 sa Denver Catholic.

Paglilinaw niya: “However, the Catholic origins of Halloween date back to more than 1300 years ago during the vigil of the Feast of All Saints. It was instituted by Pope Gregory III when, in the eighth century, he dedicated a chapel in St. Peter’s Basilica to all the saints.”

Pagbabalik sa kasagraduhan ng pagdiriwang

Taun-taon, nananawagan ang Simbahang Katolika na iwasan na ang transisyon ng katatakutan at tila pagpaparangal sa mga “demonyo” at masasamang espiritu tuwing aalalahanin ng mga mananampalataya ang Halloween.

“Halloween isn’t about fear—it’s about faith. It’s the first step into a sacred season of remembrance and hope. From All Hallows’ Eve to All Saints’ Day and All Souls’ Day, Catholics are invited to reflect on eternity, honor the communion of saints, and pray for those who have gone before us. So yes, pass the candy—but don’t forget the candles. This October, let’s celebrate the Catholic way,” ayon sa Catholic World Mission.

Posted in

Leave a Reply