Malikmata

A paranormal & metaphysical magazine for modern Filipinos

Noong nakaraang column, nabanggit natin ang namayapang aktor at direktor na si Roy Alvarez na masasabi nating mahigpit ang kaugnayan sa mga alien. 

UFO (Pixabay)

Sa kaniyang mahabang karera bilang UFO researcher, madalas na naibabahagi niya ang kaniyang aktuwal na mga karanasan sa mga nilalang na naninirahan diumano sa ibang bahagi ng kalawakang kinalalagyan ng planetang ating tinitirhan.

Bukod kay Roy, isa pang nangungunang pigura sa showbiz at paranormal studies ay si Elizabeth Oropeza.

Sa naging panayam sa kaniya kamakailan ng podcast na Think Talk Tea ni Kring Kim, ibinahagi ni La Oro (palayaw sa showbiz) ang aktuwal niyang mga karanasan sa mga nilalang na mula sa ibang dimensiyon na pinaniniwalaang bahagi rin ng pisikal nating uniberso.

Dagdag pa kina La Oro at Roy, ang dating aktres na si Chin-Chin Gutierrez ay napabalita ring may alam tungkol sa mga nilalang na mula sa ibang mundo. Marahil ang pagiging malapit niya kay Roy ang dahilan kung bakit naugnay so Chin-Chin sa usapang UFO at alien life forms.

Kayo ba? May karanasan din ba kayo sa mga UFO?

Posted in

Leave a Reply