Malikot ang pag-iisip at mabagsik ang tilamsik ng guni-guni sa ating reyalidad. Kung ano madalas ang ipinipinta’t idinidikta ng isip, iyon din ang nagiging danas natin sa daigdig. Sabi nga ng Buddha, “Mind precedes all phenomena, mind matters most, everything is mind-made…”

Pero may mga bagay na nangyayari sa labas ng ating isip na totoo at hiwalay sa reyalidad na nililikha ng ating utak; at ang mga pangyayaring ito ay higit kaysa sa normal—paranormal.

Paranormal: Isang Depinisyon

Bago ang lahat, dapat muna nating malaman ang totoong kahulugan ng “paranormal” para hindi tayo maligaw sa paglakad natin sa daan ng pagkaunawa sa mga bagay na itinuturing na paranormal.

“Paranormal phenomena are experiences or events that seem unusual or unnatural and can’t be explained by what is known about nature and the world,” paliwanag ng Encyclopaedia Britannica.

Dagdag pa ng encyclopedia: “Those who experience paranormal events often attribute them to magical, supernatural, or folkloric origins, disregarding rational scientific explanations.”

Pero may mga bagay na nangyayari sa labas ng ating isip na totoo at hiwalay sa reyalidad na nililikha ng ating utak; at ang mga pangyayaring ito ay higit kaysa sa normal—paranormal.

Kutob 2026

Kung susuriin ang depinisyon sa itaas at ang dagdag na impormasyong ibinigay ng parehong entry sa encyclopedia, ang mga bagay na paranormal ay maituturing na anomalya (anomaly) sa normal na takbo ng mga bagay o pangyayari sa ating pisikal na mundo at madalas na iniuugnay sa mga espiritu, mahika (magic), at maging sa isang daigdig na hiwalay sa atin. 

At dahil kaiba at hindi parte ng normal nating karanasan, madalas na naghahatid ang mga ito ng takot at kaba sa sino mang magdadaan sa ganitong mga karanasan.

Paranormal at “pekeng siyensiya”

Para sa mga “eksperto”, o mas naniniwala sa siyensiya (physics, chemistry, atbp.), bawat pangyayaring itinuturing na paranormal o sobrenatural (supernatural) ay bunga lamang ng guni-guni at maaari pa ngang palatandaan ng pagkakaroon ng hindi normal na pag-iisip.

Hindi natin maisasantabi ang opinyong ito dahil ang ano mang bagay at kaisipang nasa loob ng ating utak, makalilikha ng reyalidad sa sarili natin na para bang totoong-totoo kahit pa na isa lang itong guni-guni o ilusyon. Sa mga nakararanas ng psychosis at pagkabalisa (anxiety), may mga bagay silang naririnig at nakikita na parang tunay subalit umiiral lang sa mundo na likha ng kanilang pag-iisip. 

Samantala, ang mga abilidad o psychic abilities at maging ang ilang pangyayaring naidokumento naman (at mayroon pang mga saksi) ay itinuturing din ng kalakhan ng mga siyentista, partikular ng mga sikolohista (psychologists) at psychiatrists, na parte rin ng kahibangan ng mga naniniwala sa mga bagay na ito. Pati na rin ang pag-aaral sa ganitong mga paksa (subjects) ay itinuturing din nila na pseudoscience — pekeng agham — at walang puwang para sa pagkilala sa mundo ng karunungan.

Malikmata

Bagaman nakalulungkot ang pagsasantabi at pagbabalewala sa paranormal bilang isang paksang dapat na pag-aaral, naniniwala kami na darating din ang araw na mas mapagtutuunan ng pansin ang pag-aaral sa mga bagay na paranormal upang mas maunawaan ang mga bagay at pangyayaring higit kaysa normal para naman mas mapalalim pa ang kaalaman natin sa ating mundong ginagalawan at mga bagay na umiiral na hiwalay rito. 

Ang mga bagay na nabanggit ko ang pangunahing dahilan bakit namin nilikha ang Malikmata, para sama-sama tayong mag-aral at makaunawa sa mga bagay na higit sa normal, at maalis ang takot at stigma sa mga bagay na ito. 

Umaasa kami sa inyong mainit na pagtanggap at pagsuporta sa online paranormal magazine na ito.

Posted in

Leave a Reply